8.08.2010

In celebration of the Month of the Filipino Language

I recently found out through the View My Stats that I have readers as far as Sweden, Canada, and USA.

I am sorry if my recent posts are written in Filipino. I will only be doing this month of August as we celebrate our language every August.

But I might be posting blogs from time to time written in English in order that I may give satisfaction to my non-Filipino readers as well. Thank you.

8.07.2010

Panasadiyaw: Mga Pananaw, Mga Sayaw, Isang Diwa

Tunay talagang nag-uumapaw ang talento ng mga Pilipino sa larangan ng pagtatanghal. Isang sayawan ang aking nasaksihan kagabi sa Greenbelt 3 Park. Naka-upload sa aking Facebook Account ang dalawang buong album.
Lalo ko tuloy na-miss ang magtanghal sa entablado.

Si Ellen na ang No. 1 Fan ng Pinoys. Siyang tunay,

Nag-tweet si Ellen de Generes tungkol muli sa kanyang pagkahumaling sa mga talento ng Pinoy at sinabing:


I’ve learned 2 things about TV. It’s always easier with vodka & some of the best singers are from the Philippines.






Heto at ini-link pa niya ang video ni Ralph Salazar:

http://ellen.warnerbros.com/videos/?autoplay=true&mediaKey=364d9f40-79d9-4677-906d-db8f68e5dfaa

8.06.2010

Life's a Pastiche: Panawagan Para sa ABS-CBN

Life's a Pastiche: Panawagan Para sa ABS-CBN: "Kapag ang isang tao ay sugutan at duguan agarang lunas ang dapat maibigay. Subalit sa kaso ng ABS-CBN crew at ni Ivan Padilla, mas inuna ang..."

Panawagan Para sa ABS-CBN

Kapag ang isang tao ay sugutan at duguan agarang lunas ang dapat maibigay.
Subalit sa kaso ng ABS-CBN crew at ni Ivan Padilla, mas inuna ang agarang pagkuha ng eksklusibong panayam kaysa paglapat ng karampatang lunas.

Ito ngayon ang gusot na kinasasangkutan ng crew ng abs-cbn news and current affairs.

Kahapon ay nadakip at nakaputukan ng pulisya si Ivan Padilla,isang sinususpetsang carnapper.

Makikita sa video na ipinalabas ng abs-cbn na duguan si Ivan Padilla habang nakaupo sa likod ng police van na kumuha sa kanya. Sa kabila ng kalunus-lunos na kalagayan ni Ivan ay nakuha pa siyang tanungin ng ilang walang kakwenta-kwentang mga tanong ng abs-cbn crew katulad ng kung siya si Ivan Padilla o kung Ivan ang kanyang pangalan. Kitang-kita sa video na hindi na nakakapagsalita si Ivan. Sa katunayan, Ivan na lamang ang huling salita namutawi sa kanyang labi. Hindi kailangang magkaroon ng lisensya bilang doktor para malaman mong kailangan na ng taong ito ang agarang atensyon at lunas.

Tumagal ng halos isang minuto ang pagkahimpil ng sasakyan ng pulisya sapagkat bago pa man nakausap ng mga taga abscbn si Ivan ay may kinuhanan na silang isa pang suspek. Paliwanag ng crew ay wala raw silang alam na si Ivan ay nasa loob ng sasakyan. Sa video ay makikita ring may pulis na nagsabi sa crew na si Ivan ay nasa likod ng sasakyan.

Katanggap-tanggap naman ang paghuhugas kamay ng ABS-CBN na wala silang kinalaman sa huling kinahantungan ni Ivan Padilla.

Subalit malinaw na ang kanilang pagkuha ng video at pagtatanong sa mga pulis at mga nahuling suspek ay naging balakid sa operasyon ng pulisya.

Maaari mang sabihin ng ABS-CBN crew na hindi nila alam na sila ay nagiging sagabal sa isang operasyon, malinaw na malinaw na nung nakita na nila si Ivan sa likod ng van na nakahandusay sa upuan at duguan, hindi na dapat pa silang lumapit para kumuha ng video at magtanong nga mga tanong na kahit hindi nagtapos ng kolehiyo ay kayang tanungin.

Naaalala ko tuloy ang binanggit sa aming klase ng aking propesor sa Photojournalism. May nagtanong, "Sir, kapag nasa giyera ka paano po kapag may taong nasusunog sa harap mo, tapos kailangan mong kumuha ng larawan sapagkat maganda itong materyal para sa pahayagan, ano ang dapat mong gawin?" Sumagot si Propesor Gil Nartea at sinabi niya na Sige, mag-shoot ka ng isang kuha tapos tulungan mo na. Siyempre tao yung nasusunog. Hindi pwedeng ipagsawalang-bahala mo ang buhay ng tao para lang maisakatuparan ang iyong hangaring makapagbigay impormasyon.

Marahil nararapat balikan ng mga nasasangkot na crew ng ABS-CBN ang mga ganitong aral sa moralidad at pagka-makatao.

Nakakapanggigil sapagkat kahit pa may ginawang hindi maganda si Ivan, siya ay taong may mga karapatang katulad ng lahat sa atin. Nakakapanggigil sapagkat isang maliwanag na pagpapakita ng kawalan ng ethics at professionalism ang kanilang ginawa.

Bagaman hindi malinaw na maaakusahang ang ABS-CBN ay isa sa mga naging sanhi ng kamatayan ni Ivan - sapagkat namatay ito dahil ka pagkaubos ng hininga o asphyxia - malinaw na ang trabaho ng media para ipahayag ang impormasyon ay pumapangalawa lamang sa mga panahong buhay na ng tao ang nakataya - maging suspek man ito sa isang krimen o hindi.

Panawagan ito sa ABS-CBN at sa lahat ng mga bahagi ng media: Tao rin kayo. Isipin ninyo kung kayo ang nasa kalagayan ng isang naghihingalong tao at tinatong ka pa kung anong pangalan mo at kung ayos ka lang, malamang sa hindi ay maaasar ka at sa loob-loob mo, kung pwede mo silang mabatukan ay gagawin mo ito.

Maliwanagan sana ang lahat.



8.05.2010

mga sali-saliwang banghay ng isipan

Nitong mga nakaraang araw ay nagkakaroon ako ng mga biglaang pagninilay-nilay na may kinalaman sa estado at lagay ngayon ng aking buhay.

Mahirap para sa aking gumawa ng mga desisyong maaapektuhan ang napakaraming tao sa aking buhay; lalo't higit akong nasisikil sapagkat ang mga sitwasyong kailangan kong gawan ng desisyon ay yaong mga sitwasyong damay ang mga pinakamahahalagang tao sa aking buhay.

Sa aking edad ngayon, marapat lamang bang magsimula na akong magdesisyon para sa aking sarili lamang o patuloy pa ring magdesisyon para sa ikabubuti at ikaliligaya ng mas maraming tao?

Madalas kasi ang mga desisyong pabor sa sarili ay hindi ayon sa kagustuhan ng nakararami. At ang desisyong pabor sa nakararami, minsan ay nagiging parang sapilitang desisyon na lamang.

Ano na nga ba ang aking dapat gawin?

Tulong.

8.02.2010

paggunita

Bilang paggunita sa Buwan ng Wika, lahat ng aking isusulat sa blog nito ay pawang nakasulat sa Filipino, maliban na lamang sa mga salita -  katulad ng blog - na walang kapalit sa wikang Filipino.

Nawa maging isang daan ito upang ako ay maging halimbawa ng isang Filipinong - bagama't guro sa Ingles - ay maaari pa ring makapagsulat ng mga makabuluhang sanaysay gamit ang ating wika. Ito ay aking paraan upang gunitain ang kulturang Filipinong higit na mas makulay kaysa mga Kanluraning kultura.