Bilang paggunita sa Buwan ng Wika, lahat ng aking isusulat sa blog nito ay pawang nakasulat sa Filipino, maliban na lamang sa mga salita - katulad ng blog - na walang kapalit sa wikang Filipino.
Nawa maging isang daan ito upang ako ay maging halimbawa ng isang Filipinong - bagama't guro sa Ingles - ay maaari pa ring makapagsulat ng mga makabuluhang sanaysay gamit ang ating wika. Ito ay aking paraan upang gunitain ang kulturang Filipinong higit na mas makulay kaysa mga Kanluraning kultura.
Showing posts with label buwan ng wika. Show all posts
Showing posts with label buwan ng wika. Show all posts
8.02.2010
paggunita
Labels:
buwan ng wika,
Filipino,
Pilipino,
Tim Decano
7.28.2010
isang panunuligsa
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.
Isang panlilibak sa pagka-Pilipino ang katotohonang hindi tayo nakapagsasalita gamit ang ating SARILING WIKA nang may husay at saysay.
Isang panlilibak sa lahat ng pinaglaban ng mga ninuno na walang alinlangang nag-alay ng dugo, pawis at buhay upang ang hinaharap ay manatiling may sariling pagkakakilanlan. Ang pagwaksi sa paggamit sa sariling wika ay pagtalikod sa lahat ng mga sumasagisag sa lahi nating malaya - ang mga buhay na sinupil ng mga dayuhang nagnais na paimbabawan ang kulturang makulay at matatag bago pa man sakupin ng "sibilisasyong" itinuring na huwad na langit. Binabasura ng pagtalikod sa wika ang sagisag ng ating kultura. Ang wika ay kultura at ang kultura ay wika.
Isang panlilibak ang pagbibigay ng mas mataas na turing at halaga sa ibang wika at sabihing ang pagkatuto ng ibang wika ang batayan ng talino at tagumpay. Hindi na nga dapat pang isalaysay sa sanasaysay na ito ang mga halimbawa ng mga bansang naging maunlad sapagkat hindi nila tinalikuran ang kanilang sariling wika.
Isang panlilibak sa pinag-ugatan at pinagmulan ng wika ang paghimpil sa kamalayang Kolonyal at Kanluranin. Ang pagturing sa wikang banyaga bilang superyor na wika ay isang malaking patunay na tinalikuran na ang lahing Pilipino.
Isang panlilibak sa sarili.
Wala nang pagdududa. Panahon para manuligsa.
Mahiya ka naman - Pilipinong balu-baluktot ang dila kapag nagsasalita sa ating wika.
Mahiya ka naman - Pilipinong walang pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating kultura.
Mahiya ka naman - Pilipinong mas nais pang matuto ng wikang banyaga kaysa hasain ang talino sa pagsasalita ng ating wika.
Mahiya ka naman - Pilipinong ang turing sa ating lahi ay mababa at walang laban.
Wala nang paliguy-ligoy pa. Panahon na ng panunuligsa.
Subscribe to:
Posts (Atom)