Showing posts with label Tim Decano. Show all posts
Showing posts with label Tim Decano. Show all posts

8.05.2010

mga sali-saliwang banghay ng isipan

Nitong mga nakaraang araw ay nagkakaroon ako ng mga biglaang pagninilay-nilay na may kinalaman sa estado at lagay ngayon ng aking buhay.

Mahirap para sa aking gumawa ng mga desisyong maaapektuhan ang napakaraming tao sa aking buhay; lalo't higit akong nasisikil sapagkat ang mga sitwasyong kailangan kong gawan ng desisyon ay yaong mga sitwasyong damay ang mga pinakamahahalagang tao sa aking buhay.

Sa aking edad ngayon, marapat lamang bang magsimula na akong magdesisyon para sa aking sarili lamang o patuloy pa ring magdesisyon para sa ikabubuti at ikaliligaya ng mas maraming tao?

Madalas kasi ang mga desisyong pabor sa sarili ay hindi ayon sa kagustuhan ng nakararami. At ang desisyong pabor sa nakararami, minsan ay nagiging parang sapilitang desisyon na lamang.

Ano na nga ba ang aking dapat gawin?

Tulong.

8.02.2010

paggunita

Bilang paggunita sa Buwan ng Wika, lahat ng aking isusulat sa blog nito ay pawang nakasulat sa Filipino, maliban na lamang sa mga salita -  katulad ng blog - na walang kapalit sa wikang Filipino.

Nawa maging isang daan ito upang ako ay maging halimbawa ng isang Filipinong - bagama't guro sa Ingles - ay maaari pa ring makapagsulat ng mga makabuluhang sanaysay gamit ang ating wika. Ito ay aking paraan upang gunitain ang kulturang Filipinong higit na mas makulay kaysa mga Kanluraning kultura.