1.25.2011

Pres. Aquino, you are impressing me

This is an excerpt from his most recent press briefing as of posting time of this blog entry. Here, he talks about the recent bus explosion incident along EDSA.

I love how he rebutted certain points of journalists who need to ask better questions than the lame questions that they have asked probably all public officials.





Excerpt:


Q: Sir, last point, any message or assurance to the international community and even to the investors with this latest development?

AQUINO: Again, tayo na naman yata sumisira sa sarili natin dito.
‘Yung Russia ho to a large degree, hindi ba para bang mas mahigpit na lipunan kaysa sa atin. Airport po nila, isa sa mga pinaka-protected, pinaka-hardened area na former totalitarian state. So, itong ikukumpara naman nating nangyaring insidente sa atin sa bus—ilan lang ho ‘yun bus? Mga 6,000 plus ho yata ‘yung nagpa-ply sa EDSA daily, no? ‘Yung mas mahirap naman ho siguro i-harden lahat nitong bus na ito, lalo na hindi naman tayo sumasakay sa isang terminal at lahat bumababa sa kabilang terminal. Pero, sa pagtutulungan ho nga ng sambayanan, may mga pasahero na nakakita ng may suspicious packages, may suspicious characters, eh ‘di po i-educate natin ang ating mga mamamayan, eh, maiibsan din natin ang problemang ito. ‘Yung ilagay naman natin sa konteksto: ‘yung mga terrorist, iilan sila, may conspiracy, ‘no? Tapos, talagang sinasamantala ‘yung mga kalayaan na nakukuha sa isang demokratikong bansa tulad natin.
‘Di naman tayo papayag na talagang bigyan nila ng panganib o kapahamakan ang ating mga kababayan kaya ginagarantiya ko sa inyo, ‘yung buong pwersa ng estado nakatutok sa paghahanap sa kanila at pagdadala sa kanila sila sa kulungan.

Q: Good afternoon, sir. You have mentioned that you are pursuing ‘yung terrorist angle. So, based on the initial investigation, mayroon na bang information kung what particular group or individual?

AQUINO: Gagawa ako ng pronouncement, ilang oras pa lang ang nangyari? Siyempre, bigyan na muna natin ng ebidensya bago tayo mag-aakusa ng kung sino man.

Q: Sir, most likely, some countries would issue another travel advisory against the Philippines, so can i get your comment on …

AQUINO: Bakit naman tayo aasa na magkakaroon ng travel advisory sa kanila? Maliban lang kung imumungkahi natin na mag travel advisory sa atin.
Pero uulitin ko lang sa inyo, ‘yung may nangyaring bombing incident in another country, tinarget [target] mga turista. Over a hundred ang mga namatay doon. Tapos ‘yun, nabigyan ng travel advisory na less severe than ours. So, siguro gaano karami ho kaya ang mga turistang sumasakay doon sa ating mga bus, na nagco-commute sa EDSA, for that matter, ‘no? So, baka dapat ay humihingi na rin ako ng cooperation ninyo. Wala namang bansa ang malaya sa terrorism threat. Sa America ginagamit ‘yung post office, ‘di ba? Nagpapadala ng anthrax spores. At least sa atin, hindi pa nangyayari ‘yun. Sana naman huwag mangyari ‘yon. Tradition po ng Pilipino, normally kapag may violence, ‘di ba personalan? Talagang matindi ‘yung galit doon sa kabilang tao. Bihira ho ‘yung “To Whom It May Concern.” Pero, dito nga ho, mayroong grupo na talagang naghahasik ng lagim, o iilang tao. ‘Pag tinutukan ng estado, hindi puwede hindi mahuli.


Read more here

No comments:

Post a Comment