Talumpati
ni
Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa kanyang pagdalo sa Misa para sa mga magtatapos ng Ateneo de Manila University
[Inihayag sa High School Covered Courts ng Ateneo de Manila noong ika-25 ng Marso 2011]
Matagal na rin akong hindi nauwi dito sa Ateneo. Noong kapanahunan ko nga po, dahil sa Citizens Military Training, sapilitang pinatatabas ang mga buhok namin. Eksakto po sana ang pagbabalik ko, kasi ngayon, kusa nang nauubos ang buhok ko. Pero hindi na nga ho pala required ang CMT ngayon—volunteer na. Marami na talagang nagbago. Hindi ho kasama itong covered courts; pareho pa rin ho yata.
Balita ko po’y nagretiro na ang aking mga guro tulad ni Ginang Escasa. Guro ko po siya sa Filipino noong na kung makaporma po eh parang araw-araw papunta sa Graduation Ball. Kahit walang aircon ang mga classroom namin noon, ang damit po niya niya’y talagang gown. Pero kailangan ko namang masabi ang isang katotohanan. Sa dami ng humahanga sa pananagalog ko, kay Ginang Escasa ako dapat magpasalamat. Sabi niya, kung magtatagalog ka, diretsuhin mo na. Huwag ‘yung hinahaluan pa ng Ingles, like kung ano ang manner of speaking ng marami sa youth right now.
xxx
Tungkulin ng bawat henerasyon na ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng nauna sa kanila. Kaming mga nauna sa inyo ay nagsusumikap na huwag nang ipasa ang mga problemang namana namin. Umaasa ako na kayo naman ay magsisikap ding huwag nang mag-iwan pa ng mga problema sa mga susunod na salinlahi.
Limang taon at tatlong buwan na lang po ang natitira sa trabaho kong ito. Pagkatapos nito, magpapahaba na kong muli ng aking buhok. Simple lang naman po ang pangarap ko sa buhay: Kapag tinawag na ako ng Poong Maykapal, at sinabi Niyang finished or not finished, pass your papers, maipagmamalaki kong naiwan ko ang mundong ito nang mas maayos kaysa sa aking dinatnan. Iyan din po ang panawagan ko sa bawat isa sa atin.
Continue reading here.
No comments:
Post a Comment